• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-18 15:02:36    
Ika-10 araw ng Beijing Olympic Games, pinaglabanan na ang 2 medalyang ginto

CRI

Pumasok ngayong araw ang Beijing Olympic Games sa ika-10 araw at hanggang noong alas-15 ngayong hapon, pinaglabanan na ang 2 medalyang ginto.

Sa katatapos na Women's Triathlon Final ng Beijing Olympic Games, napasakamay ang ginto ni Emma Snowsill, manlalaro ng Australia. Sina Fernandes Vanessa, manlalaro ng Portugal at Moffatt Emma, manlalaro ng Australia ay nasa ika-2 at ika-3 puwesto.

Sa katatapos na Sailing 470-Men's Two Person Dinghy Final, napasakamay ang ginto ng koponan ng Australia. Ang mga koponan Britanya at Pransya ay nasa ika-2 at ika-3 puwesto.

Sa unang round ng Men's 110m Hurdles stage group ng Olimpiyada sa Beijing ngayong araw, ang atletang Tsino na si Liu Xiang ay umurong sa paligsahan sa kanyang kasugatan.

Sa isang preskong idinaos pagkatapos ng paligsahan, kinumpirma ni Ginoong Sun Haiping, tagasanay ni Liu Xiang, na nahinto ang paligsahan ni Liuxiang dahil sa kanyang kasugatan ng sakong.