Ipinahayag ngayong araw ni Chen Jian, kilala-kilalang ekonomista at direktor na tagapagpaganap ng instituto ng kabuhayan ng Beijing Olympic Games na pagkaraan ng Olympic Games, patuloy at matatag na uunlad ang kabuhayan ng Beijing.
Ayon kay Chen, sa panahon ng paghahanda para sa Olympic Games, lumaki nang 1% ang kabuhayan ng Beijing dahil sa elemento ng Olympic Games at napasulong ang pagsasaayos ng industriya. Pagkaraan ng Olympic Games, lilitaw ang bagong growth point sa kabuhayan ng Beijing, nang sa gayo'y, mapapawi ang kaligaligan dulot ng pagbabawas ng pamumuhunan pagkaraan ng Olympic Games.
Salin: Sissi
|