Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Ginoong Du Shaozhong, Pangalawang Direktor ng Kawanihan ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Beijing, na pagkaraan ng Beijing Olympic Games, patuloy na isasagawa ang mga hakbangin para sa pagpapabuti ng kapaligiran ng lunsod na ito.
Ipinahayag din niyang pag-aaralan ng kaniyang kawanihan ang karanasan ng Olimpiyada, at pagkatapos ng Olimpiyada, i-oorganisahin nito ang mga boluntaryo ng mga lunsod para lumahok sa araw-araw na gawain ng pangangalaga sa kapaligiran.
Salin: Li Feng
|