Ngayong araw, pumasok sa ika-15 araw ang paligsahan ng Beijing Olympic Games, at paglalabanan ngayong araw ang lahat-lahat 32 medalyang ginto. Hanggang alas-21:30 kaninang gabi (Beijing time), pinaglabanan na ang 26 na medalyang ginto. Napasakamay ng delegasyong pampalakasan ng Tsina ang 49 na medalyang ginto.
Sa katatapos na Table Tennis Singles Men ng Beijing Olympic Games, ang mga manlalarong Tsino na sina Ma Lin, Wang Hao at Wang Liqin, ay magkakasunod na nakakuha ng medalyang ginto, pilak at tanso.
Sa katatapos na Men's Flatwater Canoe Double (C2) 500m ng Beijing Olympic Games ngayong araw, sina Meng Guanliang at Yang Wenjun, dalawang manlalarong Tsino, ay nakakuha ng medalyang ginto.
Sa katatapos na Men's Boxing 51kg Final, si Somjit Jongjohor, manlalarong Thai, ay nakakuha ng medalyang ginto.
Salin: Li Feng
|