• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-24 14:38:28    
Paghahanda para sa Beijing Paralympics, maalwan

CRI

Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Tang Xiaoquan, pangalawang tagapangulong tagapagpaganap ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games, na sa kasalukuyan, maalwan ang gawaing paghahanda para sa Beijing Paralympic Games.

Inilahad ni Tang na sa kasalukuyan, isinagawa na ang pagsubok sa lahat ng 20 venues ng Paralympics. Bukod dito, natapos na ang barrier-free reconstruction sa 22 ospital at 16 na otel para sa Paralympics.

Sa panahon ng Paralympics, isasaoperasyon din ng Beijing ang 16 na espesyal na linya ng transportasyong pampubliko at ipagkakaloob ang 400 barrier-free bus para sa Paralympics.

Salin: Ernest