• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-24 15:45:17    
Premyer Tsino: karapat-dapat ang pagsisikap ng Tsina para sa Olimpiyada

CRI

Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Wen Jiabao, Premyer ng Tsina, na ang pagdaraos ng Olimpiyada ay hindi lamang nagkaloob ng arena sa mga manlalaro ng iba't ibang bansa ng daigdig para ipakita ang kanilang kahusayan, kundi rin nagpakita sa daigdig ng bagong imahe ng Tsina. Anya, karapat-dapat ang pagsisikap ng Tsina para sa Olimpiyada at ikinasisiya ito ng panig Tsino.

Sinabi ni Wen na sa panahon ng Olimpiyada, natanggap ng Tsina ang pagkatig ng komunidad ng daigdig sa iba't ibang aspekto at ipinahayag ng panig Tsino ang pasasalamat para rito. Binigyang-diin niyang ang Olimpiyada ay pagtitipun-tipon ng malaking pamilyang pandaigdig at dapat pantay-pantay na pakitunguhan ang iba't ibang bansa.

Salin: Ernest