• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-24 17:31:19    
Hu Jintao, inihandog ang bangkete sa mga dayuhang panauhin sa seremonya ng pagpipinid ng Beijing Olympics

CRI
Inihandog ngayong tanghali sa Beijing ni pangulong Hu Jintao ng Tsina ang bangketeng panalubong sa mga dayuhang panauhin na kalahok sa seremonya ng pagpipinid ng Beijing Olympic Games.

Sa kanyang talumpati sa bangkete, sinabi ni Hu na ang kasalukuyang Olimpiyada ay isang malaking aktibidad na pampalakasan at pangkultura na nilalahukan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa ng daigdig at ang pagdaraos nito ay nagpapasulong ng usapin ng kalakasan ng Tsina, nagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Olympic Family at nagpapalalim din ng pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at daigdig.

Pinasalamatan ni Hu ang mga manlalaro at mamamayan ng Tsina at ibang bansa para sa matagumpay na pagdaraos ng kasalukuyang Olimpiyada. Anya,

"Ang matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games ay bunga ng magkakasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng Tsina at daigdig. Salamat ito sa Olympic Family, mga manlalaro, boluntaryo at kaibigan ng buong daigdig na kalahok sa Olimpiyada sa iba't ibang porma."

Sinabi rin niyang patuloy na idaraos ng Tsina ang isang Paralympic Games na may mataas na lebel at katangian at ibibigay ang ambag sa pag-unlad ng Kilusang Olimpiko ng daigdig.

Salin: Liu Kai