• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-24 22:18:27    
Beijing Olympics, ipininid

CRI

Matagumpay na ipininid ngayong gabi ang ika-29 na Summer Olympic Games sa Beijing.

Dumalo sa seremonya ng pagpipinid si pangulong Hu Jintao ng Tsina.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Liu Qi, tagapangulo ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games, na ang kasalukuyang Olimpiyada ay isang dakilang aktibidad ng palakasan, kapayapaan at pagkakaibigan. Anya, ipinatupad ng mga mamamayang Tsino ang kanilang mga pangako at isinakatuparan ang environment-friendly, technology-empowered at culture-enriched Olympics.

Sa kanya namang talumpati, lubos na pinapurihan ni Jacques Rogge, pangulo ng International Olympic Committee, ang natamong bunga ng Beijing Olympic Games. Anya, ang Beijing Olympic Games ay isang Olimpiyadang di-mapapantayan.

Sa seremonya, iniabot ni Guo Jinlong, alkalde ng Beijing, ang watawat Olimpik kay Rogge at iniabot ito ni Rogge kay Boris Johnson, alkalde ng London, host city ng susunod na Olimpiyada.

SalinL: Liu Kai