• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-25 11:07:04    
Ika-29 na Summer Olympics, kasiya-siyang ipininid sa Beijing

CRI

Idinaos kagabi sa Beijing ang seremonya ng pagpipinid ng ika-29 na Summer Olympics. Lumahok sa seremonya ang mga manlalaro, tagasanay at panauhin mula sa buong daigdig bilang magkakasamang pagdiriwang sa matagumpay na pagdaraos ng Olimpiyadang ito.

Dumalo rin sa seremonya sina pangulong Hu Jintao ng Tsina, pangulong Jacques Rogge ng International Olympic Committee o IOC at mga lider at panauhin ng iba't ibang bansa at rehiyon ng daigdig.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Liu Qi, tagapangulo ng Lupong Tagapag-organisa ng Olimpiyada sa Beijing, na bagama't natapos ang Olimpiyada sa Tsina, magtatagal ang kasiglahan ng mga mamamayang Tsino sa pagbubukas sa daigdig.

Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Rogge na ang Beijing Olympics ay isang Olimpiyadang di-mapapantayan at sa ngalan ng IOC, pinasalamatan niya ang mga mamamayang Tsino, lahat ng mga boluntaryo at Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games.

Sa 16 na araw na Beijing Olympics na nilahukan ng mahigit 10 libong manlalaro mula sa 204 na bansa at rehiyon ng daigdig, nasira ang 38 pandaigdigang rekord at 85 Olimpikong rekord sa mga paligsahan at napasakamay sa kauna-unahang pagkakataon ng ilang bansa at rehiyon ang mga medalya. Nakakuha ang delegasyong Tsino ng 100 medalya na kinabibilangan ng 51 medalyang ginto at nangunguna sa kauna-unahang pagkakataon sa listahan ng medalyang ginto na ito ay pinakamabuting resulta ng Tsina sapul nang lumahok ito sa Olimpiyada.

Salin: Liu Kai