Nagpalabas ngayong araw ng editoryal ang pahayagang People's Daily ng Tsina bilang pagbati sa pagpipinid ng Beijing Olympic Games.
Anang editoryal, ang Beijing Olympic Games ay isang Olimpiyadang pinakamarami ang mga kalahok na bansa at rehiyon at pinakamalawak ang pagkokober sa kasaysayan.
Anito, buong sikap at buong siglang ipinatupad ng mga mamamayang Tsino ang kanilang pangako sa pagdaraos ng isang Olimpiyadang may katangian at mataas na lebel. Sa pamamagitan ng ideyang environment-friendly, technology-empowered and culture-enriched Olympics, magdudulot ang kasalukuyang Olimpiyada ng pangmalayuang epekto sa proseso ng modernisasyon ng Tsina.
Anito pa, isinaisip ng daigdig ang Beijing at pinsalamatan naman ng Beijing ang daigdig sa magkakasamang pagsulat ng kabanata ng kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai
|