Ipinahayag ngayong araw ni Liu Qi, Tagapangulo ng Lupong Tagapag-organisa ng Olimpiyada ng Beijing, na dapat buong husay na isagawa ang iba't ibang gawaing paghahanda para sa Paralympic Games.
Sinabi ni Liu na sa huling yugto ng gawaing paghahada, dapat buong husay na i-organisa ang torch relay at mga seremonya ng pagbubukas at pagpipinid ng Paralympics at buong husay na isagawa ang pagtanggap sa mga kalahok na miyembro ng Paralympic Family at panauhin ng daigdig at paglilingkod sa Paralympics para maigarantiya ang pagiging masigla, kahanga-hanga at matagumpay ng Paralympics at makapagbigay-kasiyahan sa komunidad ng daigdig, mga manlalaro ng iba't ibang bansa at mamamayang Tsino.
Bubuksan ang Beijing Paralympic Games sa ika-6 ng susunod na buwan at lalahok dito ang mahigit 4000 manlalarong galing sa halos 150 bansa at rehiyon.
Salin: Ernest
|