Sapul nang ipinid ang Beijing Olympic Games, nagpalabas ng maraming artikulo ang mga medyang dayuhan na nagsasabing perpekto ang pag-oorganisa ng Olimpiyadang ito, ang magagandang seremonya ng pagbubukas at pagpipinid at mahuhusay na resulta ng mga manlalaro ay nagpakita ng puwersa ng Tsina at mayroon itong katuturan ng muhon.
Anang pahayagang Independent ng Britanya, malawakan ang Beijing Olympic Games, perpekto ang pag-oorganisa nito at ito ay pinakadakilang Olimpiyada hanggang sa kasalukuyan.
Ayon sa artikulo ng pahayagang Wall Street Journal ng E.U., maalwan ang takbo ng Beijing Olympic Games at ito ay isa sa mga Olimpiyadang pinakamahusay ang pag-oorganisa.
Anang komentaryo ng pahayagang Australian ng Australya, sa kasalukuyan, hindi mapapabulaanan ang lakas ng Tsina sa pulitika, kabuhayan at kultura.
Pinapurihan naman ng mga pangunahing medya ng Pransya, Timog Aprika, New Zealand, Romania, Mexico, Singapore, Kambodya, Kenya at iba pang bansa ang perpektong pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games.
Salin: Sissi
|