Nitong ilang araw na nakalipas, binati ng mga lider ng mga bansang ASEAN ang matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games at hinahangaan ang ambag ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino para rito.
Sinabi ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas na ang Beijing Olympic Games ay isang dakilang Olimpiyada at ipinagdiriwang ng mga mamamayang Pilipino, kasama ang mga mamamayang Tsino, ang tagumpay nito.
Ipinahayag ni Lee Kuan Yew, Minister Mentor ng Singapore, na ang matagumpay na pagdaraos ng Olimpiyada ay nagpapakita ng natamong progreso ng Tsina sa kabuhayan, lipunan at teknolohiya.
Ipinahayag ni Than Shwe, punong ministro ng Myanmar, na ang seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympics ay nagpakita hindi lamang ng tradisyonal na kultura ng Tsina, kundi rin ng imahe ng kasalukuyang Tsina.
Sinabi naman ni Norodom Sihamoni, hari ng Kambodya, na pangmalayuan at malawakan ang katuturan at impluwensiya ang kasalukuyang Olimpiyada at lubos itong nagpapakita sa buong daigdig ng tagumpay ng Tsina sa pag-unlad.
Salin: Liu Kai
|