• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-29 09:39:20    
Tsina, magsisikap para sa pagtatatag ng CAFTA ayon sa iskedyul

CRI

Ipinahayag kahapon sa Singapore ni Chen Jian, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na magsisikap ang kaniyang bansa para maigarantiya ang pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA sa taong 2010 ayon sa iskedyul.

Dumalo si Chen sa ika-7 pulong ng mga ministro ng kabuhayan ng Tsina at ASEAN o 10+1 at ika-11 pulong ng mga ministro ng kabuhayan ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o 10+3 na idinaos kamakalawa at kahapon sa Singapore. Sa news briefing pagkatapos ng mga pulong, ipinahayag niyang buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga ministro ng kabuhayan ng 10+1 na pasulungin ang proseso ng talastasan hinggil sa ika-3 dokumento ng CAFTA, alalaon baga'y kasunduan sa pamumuhunan para matapos ang talastasang ito sa loob ng kasalukuyang taon at sa gayo'y maigarantiya ang pagtatatag ng CAFTA sa taong 2010.

Isinalaysay ni Chen na noong isang taon, ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN ay umabot sa 202.5 bilyong dolyares at naisakatuparan nang mas maaga ng 3 taon ang target na itinakda ng mga lider ng dalawang panig hinggil sa 200 bilyong dolyares na kalakalan. Isiniwalat din niyang sa darating na 5 taon, magkakaloob ang Tsina sa mga bansang ASEAN ng pamilihan ng pag-aangkat na nagkakahalaga ng 2 trilyong dolyares.

Salin: Ernest