Magkahiwalay na isinagawa ngayong araw ang Beijing Paralympic torch relay sa Lunsod ng Shenzhen sa Lalawigang Guangdong at Lunsod ng Hohhot ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ng Tsina.
Ang Shenzhen sa timog Tsina ay unang stop ng ruta ng "modernong Tsina" ng Paralympic torch relay. 70 torch bearer ang lumahok sa paghahatid sa lunsod na ito at halos 20% sa kanila ay mga may-kapansanan.
Ang Hohhot naman sa hilagang Tsina ay ika-2 stop ng ruta ng "sinaunang Tsina". 70 torch bearer ang lumahok sa paghahatid doon.
Bukas, magkahiwalay na isasagawa ang torch relay sa Lunsod ng Wuhan ng Lalawigang Hubei at Lunsod ng Changsha ng Lalawigang Hunan.
Salin: Liu Kai
|