• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-30 17:35:27    
Mga personaheng dayuhan, patuloy sa paghanga sa tagumpay ng Beijing Olympics

CRI
Nitong ilang araw na nakalipas, patuloy sa paghanga ang mga personahe ng daigdig sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games.

Sinabi ni Ali Sow, direktor ng Sentro ng Pananaliksik sa Patakarang Pang-kaunlaran ng Senegal, na ang tagumpay ng Beijing Olympic Games ay hindi lamang ipinagkakapuri ng mga mamamayang Tsino, kundi rin tagumpay ng mga tao ng daigdig na mapagmahal sa kapayapaan. Sinabi ni Sow na ang Olympics venues, pag-oorganisa, kapansin-pansing ginawa ng mga manlalaro, serbisyo ng mga boluntaryo, mga masiglang manonood, magandang tanawin ng Beijing at anyo ng mga mamamayang Tsino ay pawang nag-iwan ng di-malilimutang impresyon sa daigdig. Anya pa, ipinakita ng Olimpiyadang ito sa buong daigdig ang napakalaking tagumpay ng Tsina sa teknolohiya, kabuhayan, lipunan, kultura, palakasan at mga iba pang larangan.

Sinabi naman ni Bernard Debre, miyembro ng parliamento ng Pransya, na sa pamamagitan ng Olimpiyadang ito, ibayo pang nalalaman ng daigdig ang Tsina. Anya pa, sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang seremonya ng pagbubukas at pagpipinid at namumukod na pag-oorganisa, nagpakita ang Tsina ng malakas na puwersang pampalakasan at nag-iwan ng mainam na impresyon sa daigdig.

Salin: Liu Kai