Nakipagtagpo ngayong araw sa Beijing si Premiyer Wen Jiabao ng Tsina kay Wong Kan Seng, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore na lumahok sa pulong sa kooperasyong bilateral ng Tsina at Singapore.
Binati ni Wen si Wong sa pagtamo ng bunga sa pagdalaw na ito. Sinabi niyang sa pamamagitan ng pagsisikap, narating na ng dalawang panig ang komong palagay sa pagdating ng kasunduan sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Singapore at naglatag ito ng pundasyon para sa paglagda ng kasunduang ito sa panahon ng pagdalaw sa Tsina ni punong ministro Lee Hsien Long ng Singapore sa susunod na buwan.
Pinasalamatan naman ni Wong ang pagkatig na ni Wen sa pagdating ng kasunduang ito.
Salin: Sissi
|