Napag-alaman ng mamamahayag mula sa Kawanihan sa Suliranin ng Pandaigdigang Ekspo ng Guangxi na hanggang ngayon, umabot sa 1222 ang bilang ng mga exhibition booth ng mga bansang ASEAN sa ika-5 China ASEAN Expo o CAEXPO.
Ang naturang ekspo ay idaraos mula ika-22 hanggang ika-25 ng susunod na buwan sa Nanning, punong lunsod ng Guangxi. Sa ekspong ito, magkakaroon ang 6 na bansang ASEAN ng kani-kanilang eksklusibong exhibition pavillion at lalahok din sa ekspo ang mahigit 500 negosyante mula sa Pransya, Ireland, Rusya, Hapon at iba pang bansa.
Salin: Andrea
|