Napag-alaman kamakailan ng mamamahayag mula sa adwana ng lunsod ng Nanning ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina, mula noong Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon, sa kauna-unahang pagkakataon, lumampas sa 2 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng Guangxi at ASEAN.
Napag-alamang nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang pagtutulungan ng kalakalan at pamumuhunan ng Tsina at ASEAN, at maalwang pinasusulong ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at walang humpay na lumalalim ang kanilang rehiyonal na pagtutulungan. Noong unang hati ng taong ito, umabot na sa 2.12 bilyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Guangxi at Biyetnam, Malaysia, Singapore, Indonesia, Pilipinas at Brunei. Kabilang dito, ang halaga ng kalakalan ng Guangxi at Biyetnam ay katumbas ng 84% ng kabuuang halaga ng kalakalan ng Guangxi at ASEAN.
Salin: Li Feng
|