Sa isang briefing hinggil sa tungkulin ng Shenzhou VII, ipinahayag ng mga Tsinong alagad ng agham na ang manned space mission ng Tsina ay naglalayon lamang na mapayapang maggalugad at gumamit ng kalawakan at iaplay ang mga bunga ng siyentipikong pananaliksik sa pagpapalago ng pambansang kabuhayan.
Bilang tugon sa umano'y target na militar ng manned space flight ng Tsina na iniulat ng ilang dayuhang media, ipinahayag ni Cui Jijun, Direktor ng Jiuquan Satellite Launch Center ng Tsina at Pangkalahatang Komander ng ground operation team ng paglulunsad ng Shenzhou VII, na hindi tama iyong mga ulat. Sinabi niya na hanggang sa kasalukuyan, walang alinmang manned space mission ng Tsina ang may layuning militar.
Salin: Ernest
|