Sa Jiuquan Satellite Launch Senter ng Tsina, pinalakas ngayong araw ni pangulong Hu Jintao ng Tsina ang loob ng mga astranout ng "Shenzhou-7".
Ipinahayag ng pangulong Tsino na sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Konseho ng Estado, Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, at sa mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad ng buong bansa, bumati siya sa tagumpay ng mga astranout. Nananalig aniya siyang sa ilalim ng pagkatig ng mga mamamayan ng buong bansa at matatag na pundasyong ginawa ng may kinalamang panig, tiyak na kasiya-siyang matatapos ng mga astranout ang banal na tungkuling ito.
Ayon sa ulat, ito ang ikatlong pagkakataon ng paglulunsad ng Tsina ng manned spacecraft.
Salin: Li Feng
|