Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Dai Bingguo, kasangguni ng estado ng Tsina, kay Vu Dzung, pangalawang ministrong panlabas ng Biyetnam.
Binigyang-diin ni Dai na ang kapasiyahan ng mga lider ng Tsina at Biyetnam na itatag ang komprehensibo at estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa ay nagdulot ng bagong pagkakataon sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda anya ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Biyetnames, para mapasulong ang malusog at matatag na kaunlaran ng relasyon ng dalawang bansa.
Nauna rito, nakipag-usap naman kay Vu si pangalawang ministrong panlabas Wu Dawei ng Tsina.
Salin: Liu Kai
|