• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-28 19:58:59    
Premyer Tsino, bumati sa tagumpay ng misyon ng Shenzhou VII

CRI

Pagkaraan ng nakaligtas na pagbalik ng Shenzhou VII manned spacecraft, binasa ngayong gabi sa Beijing Aerospace Control Center ni premyer Wen Jiabao ang mensaheng pambati ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Konseho ng Estado at Sentral na Komisyong Militar. Sa mensahe, binigyan ng pagbati at mataas na pagtasa ang tagumpay ng kasalukuyang manned spaceflight.

Anang mensahe, lubos na matagumpay ang misyon ng Shenzhou VII. Ito ay isang mahalagang breakthrough ng teknolohiyang pangkalawakan ng Tsina at ito rin ay palatandaang ang Tsina ay naging ika-3 bansa sa daigdig na namaster ang masusing teknik ng space walk.

Inulit din ni Wen ang pagpapaunlad ng teknolohiya ng manned spaceflight at mapayapang paggagalugad at paggamit ng kalawakan ay palagiang hangarin ng mga mamamayang Tsino.

Salin: Liu Kai