Pagkaraang matagumpay na lumapag ng lupa kagabi ang return module ng Shenzhou VII manned spacecraft, napapanahong nagkober ang mga medyang dayuhan hinggil dito at binigyan ito ng positibong pagtasa, ipinalalagay nilang sumulong ang planong pangkalawakan ng Tsina ng malaking hakbang.
Nagpalabas ngayong araw ang Lianhezaobao ng Singapore ng editoriyal na binigyan ng mataas na papuri ang paglulunsad at paglapag ng Shenzhou VII at nananalig itong tiyak na pasiglahan ng naturang pagpapamalaki at pananalig ng nasyon ang patuloy na pagtahak ng Tsina sa landas ng reporma't pagbubukas sa labas at mapayapang pag-ahon.
Anang ulat ng CNN na ang space walk ay naglatag ng landas para sa pagtatatag ng space station ng Tsina sa susunod na hakbang.
Sinabi ng Yomiuri Shimbun ng Hapon na bilang isang bunga ng ika-30 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma't pagbubukas sa labas, muling idinispley ng Shenzhou VII ang Tsina sa loob at labas ng bansa. Sinabi naman ng ulat sa website ng Yomiuri Shimbun na bilang isang dakilang bansa sa kalawakan, ang Tsina ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa loob at labas ng bansa.
Ipinalalagay naman ng Yonhap News Agency ng Timog Korea na ang matagumpay na aktibidad ng astronaut ng Shenzhou VII sa labas ng spacecraft ay makakapagpabilis sa plano ng Tsina sa medium-long term plano sa paggagalugad sa kalawakan.
Salin: Vera
|