Pagkaraang matagumpay na lumapag ng lupa kagabi ang return module ng Shenzhou VII manned spacecraft, napapanahong nagkober ang mga medyang dayuhan hinggil dito at binigyan ito ng positibong pagtasa, ipinalalagay nilang sumulong ang planong pangkalawakan ng Tsina ng malaking hakbang.
Ipinalathala kahapon ng Sin Chew Jit Poh ng Malaysiya ang artikulong nagsasabing sa susunod na hakbang, magsisikap ang Tsina para maitatag ang space station at matupad ang pagyapaksa buwan, tutulak ang mga Tsino sa mas malayong ladas ng paggagalugad ng kalawakan. Nagpalabas ng komentaryo naman ang media ng Indonesiya na ang maalwang pagtatapos ng tungkulin ng Shenzhou VII ay malaking ambag na ibinigay ng mga Tsino sa mapayapang paggamit ng kalawakan.
Salin: Sissi
|