Napag-alaman kamakailan ng mamamahayag mula sa Ministry of Housing and Urban-Rural Construction ng Tsina na patuloy at mabilis na tumataas ang lebel ng pagsasalunsod ng Tsina at walang tigil na bumubuti ang sistema ng lunsod at bayan.
Ayon sa estatisdika, nasa yugto ng mabilis na pag-unlad ngayon ang pagsasalunsod ng Tsina at hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, umabot sa 590 milyon ang populasyon sa mga lunsod at bayan ng Tsina at umabot sa halos 45% ang lebel ng pagsasalunsod na tumaas nang halos 24% kumpara sa noong 1982. Tinatayang sa susunod na 10 hanggang 15 taon, mananatiling 0.8 hanggang 1 ang bahagdan ng pagtaas bawat taon ng lebel ng pagsasalunsod ng Tsina.
salin:wle
|