Nitong 30 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang patakaran ng reporma't pagbubukas, nagkamit ng maliwanag na bunga ang konstruksyon ng sistemang panserbisyo ng pampublikong kultura sa lunsod at nayon ng bansa. Lumaki nang malaki ang gugol sa usapin ng kultura sa buong bansa at noong isang taon, umabot sa 19.9 bilyong Yuan RMB ang gugol na ito na lumaki nang mahigit 30 ulit kumpara sa noong 1980.
Sa kasalukuyang Tsina, halos 2.8 libo ang mga aklatan sa antas ng bayan pataas, mahigit 3.2 libo ang mga cultural center at mahigit 1.7 libo ang mga museo. Ang parami nang paraming residenteng Tsino sa lunsod at nayon ay nakakapagtamasa ng maginhawa at masaganang pampublikong serbisyong kultural nang walang bayad o maliit na bayaran.
Salin: Jason
|