Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Zhang Xiuqin, opisyal ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, na sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas, kapwa lumampas sa 1.2 milyon ang bilang ng mga Tsino na nag-aaral sa ibang bansa at mga dayuhang nag-aaral sa Tsina at humihigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan ng sektor ng edukasyon ng Tsina at daigdig.
Isinalaysay ni Zhang na hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, umabot sa 1.21 milyon ang bilang ng mga Tsino na nag-aaral sa ibang bansa na lumaki ng 168 ulit kumpara sa taong 1978 at sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas, tinanggap naman ng Tsina ang lahat-lahat ng 1.23 milyong person-time na estudyante mula sa mahigit 180 bansa at rehiyon ng daigdig.
Sinabi rin ni Zhang na ibayo pang pinalalakas din ng Tsina ang pakikipagtulungang pang-edukasyon sa mga bansa at organisasyong pandaigdig. Anya, nitong 30 taong nakalipas, naitatag na sa kabuuan ang pagbubukas ng edukasyon ng Tsina sa komprehensibong aspekto, iba't ibang antas at malawakang larangan.
Salin: Andrea
|