Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Jiang Gang, opisyal ng ministri ng edukasyon ng Tsina, na sapul nang isagawa ang reporma't pagbubukas, mabilis na umunlad ang higher education ng Tsina. Mula noong 1978 hanggang taong ito, nangalap ang mga pamantasan ng halos 54 na milyong mag-aaral at naisakatuparan na ang popularisasyon ng higher education ng bansa.
Bukod dito, sa pamamagitan ng pagsasaayos ng pamahalaang Tsino sa yamang-edukasyonal, napabilis ang pag-unlad ng mga atrasadong lugar sa dakong gitna't kanluran ng Tsina at sa gayo'y malakas na napasulong ang pagkakapantay-pantay ng lipunan.
Salin: Jason
|