Mula ika-4 hanggang ika-6 ng darating na buwan, idaraos sa Nanning ng Guangxi ng Tanggapan ng Konseho ng Estado at pamahalaan ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang ika-2 Porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa pag-unlad ng lipunan at pagbabawas ng karalitaan. Dadalo sa porum ang mga namamahalang tauhan, ng mga organo ng pagbibigay-tulong sa mahihirap o may kinalamang departamento ng mga bansang ASEAN at ang mga kilalang iskolar at mangangalakal sa larangan ng pag-unlad ng lipunan at pagbabawas ng karalitaan.
Mula noong ika-30 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre ng nagdaang taon, matagumpay na idinaos sa Nanning ang "unang porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa pag-unlad ng lipunan at pagbabawas ng karalitaan", at nagpalabas ang mga kalahok ng "mungkahi ng Nanning hinggil sa porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa pag-unlad ng lipunan at pagbabawas ng karalitaan".
Salin: Li Feng
|