Binuksan kahapon sa Lunsod ng Jinghong ng Prepekturang Awtonomo ng Etnikong Dai ng Xishuangbanna ng Lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina ang ika-11 perya sa panghanggahang kalakalan at turismo ng kooperasyong pangkabuhayan sa subrehiyon ng Lancang-Mekong River.
Sa 4-araw na peryang ito, isasagawa ng mga negosyante mula sa Tsina, mga bansa sa Greater Mekong Subregion, Singapore, Hapon, Timog Korea at iba pang lugar ang pag-uusap na pangkalakalan, pagtatanghal ng paninda at kooperasyong panturismo.
Sa panahon ng peryang ito, idinaos din ang ika-14 na kapistahang pansining at pangkultura sa purok-hanggahan ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand at ika-12 kapistahang pansining ng mga etniko sa dakong gitna at timog ng Yunnan para mapalakas ang pagpapalitang pangkultura ng mga kalahok na bansa.
Salin: Liu Kai
|