• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-13 17:16:36    
Wang Jiarui, nakipagtagpo sa mga panauhin ng Biyetnam

CRI

Nakipagtagpo ngayong araw sa Beijing si Wang Jiarui, Ministro ng International Department ng Komite Sentrel ng Partido Komunista ng Tsina, sa observer group ng mga kawani ng partido at pamahalaan ng Biyetnam.

Inilahad ni Wang ang may kinalamang kalagayan ng ika-3 sesyong plenaryo ng ika-17 Komite Sentral ng CPC at pagsisikap ng kanyang bansa para malutas ang isyung may kinalaman sa agrikultura, kanayunan, at magsasaka. Ipinahayag pa niya na lumalalim nang lumalalim ang pagpapalitan ng dalawang panig sa karanasan ng pangangasiwa sa bansa at ito'y naging mahalagang bahagi ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ng panig ng Biyetnam na mataimtim na pag-aaralan ang toerya at praktika ng sosyalismong may katangiang Tsino at pasusulungin, kasama ng panig Tsino, ang relasyon ng dalawang partido at bansa.

Salin: Ernest