Bilang isang mahalagang nilalaman ng gaganaping ika-5 China Asean Expo o CAEXPO, ang kauna-unahang Conference of China-Asean Ministers Responsible for Information ay idinaos ngayong araw sa Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina.
Lumahok sa pulong na ito ang mga Ministro ng Impormasyon mula sa Tsina at iba't ibang bansa ng ASEAN na kinabibilangan ng kanyang kamahalan na si G. Conrado Limcaoco, Puno ng Philippine Information Agency. Sa isang araw na pulong, magkakasamang tinalakay ng mga kalahok ang mga isyu hinggil sa kooperasyon ng Tsina at Asean sa larangan ng media. Sa kanyang talumpati sa komperensiya, sinabi ni G. Limcaoco na ang pag-uunawaan ay nagpapasulong ng kapayapaan at ang kapayapaan naman ay nagdudulot ng kasaganaan.
|