Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Fan Xiaojian, direktor ng tanggapan ng namumunong grupo ng Konseho ng Estado ng Tsina sa pagbibigay-tulong sa mahihirap, na nitong 30 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas, ang mahihirap na populasyon ng Tsina ay nabawasan sa 15 milyon pababa mula noong 250 milyon.
Sinabi ni Fan na ayon sa estadistikang ipinalabas noong isang taon ng World Bank, ang 67% tagumpay ng pagbabawas ng kahirapan ng buong daigdig ay galing sa Tsina.
Tinukoy din niyang sa hinaharap, patuloy na pabubutihin ng Tsina ang gawain ng pagbibigay-tulong sa mahihirap at bibigyan ng mas maraming patakarang preperensyal ang mga mahirap na rehiyon at populasyon.
Salin: Liu Kai
|