Nitong 30 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma't pagbubukas, walang humpay na sumusulong ang usapin ng kalusugan ng Tsina. Nitong 30 taong nakalipas, tumaas nang halos 5 taon ang life expectancy, bumaba nang 56% ang infant mortality rate at bumaba nang 60% ang maternal mortality rate. Itong 3 pangunahing indeks hinggil sa lebel ng kalusugan ng mga mamamayan ng isang bansa ay nagpapakita ng natamong bunga ng usapin ng kalusugan ng Tsina.
Noong 2003, pinasimulan ng Tsina ang pinakamalaking network ng pag-uulat ng mga impormasyon hinggil sa kalusugang pampubliko at pinataas ang kakayahan sa pagpigil at pagkontrol sa mga malaking nakahahawang sakit.
Hanggang noong 2007, umabot sa 315 libo ang iba't ibang uri ng organong medikal ng Tsina at naitatag sa kabuuan ang sistema ng serbisyong medikal na sumasaklaw sa mga residente ng lunsod at nayon. Kumpara sa taong 1978, lumaki nang 81% ang bilang ng kapasidad ng mga ospital sa buong bansa at lumaki naman nang 84% ang bilang ng mga tauhang medikal.
Salin: Jason
|