Sa unang sesyon ng pulong ng mga mataas na opisyal ng Tsina't ASEAN hinggil sa pagtutulungan sa puwerto na ipininid ngayong araw sa Guilin, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina, iniharap ni Ju Chengzhi, opisyal ng Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina, ang 8 mungkahi hinggil sa pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa puwerto.
Sinabi ni Ju na kasunod ng pragmatikong pagsulong ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN at tuluy-tuloy na paglaki ng bolyum ng kanilang kalakalan, lalaki ang pangangailangan sa transportasyon sa dagat at tataas ang kahilingan sa serbisyo ng mga puwerto. Anya, batay sa kalagayang ito, itinatag na ng Tsina at mga bansang ASEAN ang mekanismong koordinado sa kooperasyon ng puwerto at sa ilalim ng mekanismong ito, tatalakayin ang plano sa kooperasyon ng puwerto at itatakda ang mga may-priyoridad na proyektong pangkooperasyon.
Salin: Liu Kai
|