Binuksan kaninang umaga ang ika-2 porum ng kababaihan ng Tsina at ASEAN sa mtaas na antas sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi. Lumahok sa porum na ito ang mga kinatawang babae na galing sa Tsina at mga bansang ASEAN.
Sa seremonya ng pagbubukas nito, ipinahayag ni Gu Xiulian, pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Tagapangulo ng All-Women's Federation nito, na nitong ilang taong nakalipas, ang relasyon ng dalawang panig ay lumilitaw ng positibong tunguhin ng pag-unlad at palagiang pinahahalagaan ng pamahalaang Tsino ang usaping pangkababaihan nito at nakahandang makibahagi sa mga bansang Asean sa larangang ito.
Ipinahayag ni Myrna T Yao, kinatawang pilipino na ang usaping ito ng Pilipinas ay nangangailangan naman ng mas maraming pagsisikap at pagkatig at nakahanda silang isagawa ang mas malawak na pakikipagtulungan sa Tsina sa larangang ito
|