Bubuksan bukas ang ika-limang China-ASEAN Expo sa Nanning, punong lunsond ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi. Handang handa na ang lahat ng mga may kinalamang paghahanda para rito.
Napag-alamang aabot sa 2100 ang mga kalahok na mangangalakal na galing sa Tsina, 10 bansang ASEAN. Ang tema ng ekspong ito ay impormasyon at komunikasyon at sa panahon ng ekspong ito, idaraos ang isang serye ng porum hinggil dito.
|