Nagtipun-tipon kahapon sa Nanning ng Guangxi ng Tsina ang halos 100 dalubhasa mula sa Tsina, Indonesya, Singapore at iba pang bansa para dumalo sa "estratehikong diyalogo ng brainpower ng Tsina at ASEAN". Nanawagan ang mga dalubhasa na sa harap ng pandaigdigang krisis na pinansyal, dapat pabutihin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang balangkas ng kooperasyong panrehiyon para sa pagharap sa hamong ito.
Ipinalalagay ni Zhang Yunling, direktor ng departamento ng pananaliksik sa daigdig ng Chinese Academy of Social Sciences, na ang Tsina at mga bansang ASEAN ay mahalagang katuwang pangkalakalan ng isa't isa, dapat isagawa ng dalawang panig ang mahigpit na kooperasyon para matupad ang estratehikong win-win situation.
Salin: Andrea
|