Sa panahon ng kanyang paglahok sa ika-5 China-Asean Expo o CAEXPO sa Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa katimugan ng Tsina, ipinahahayag ni pangkalahatang kalihim Surin Pitsuwan ng Asean na ang kooperasyong panrehiyon ay mabisang paraan para sa pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansyal.
Sinabi ni Pitsuwan na hindi naiwasan ng Tsina't Asean ang kasalukuyang krisis na pinansyal na mas malaki at malubha ang epekto nito kumpara sa krisis na pinansiyal ng Timog Silangang Asya 10 taon na ang nakararaan. Aniya, sa kasalukuyang masusing panahon, kung magkasamang magsisikap ang Tsina't Asean, saka lamang haharapin ang epekto ng krisis at mapapahupa ang presyur ng kapuwa panig na dulot ng krisis na ito. Sa gagawing Summit ng Asya't Europa sa Beijing, magkakasamang tatalakayin ng mga lider ng Tsina't Asean ang hinggil sa isyu ng kung papaanong haharapin ang pandaigdigang krisis na pinansyal.
Salin: Vera
|