Ipinahayag kahapon ni Supachai Panitchpakdi, pangkalahatang kalihim ng United Nations Conference on Trade and Development o UNCTAD, na natamo ang mabuting bunga ng pakikisangkot ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa katimugan ng Tsina sa kooperasyon ng Greater Mekong Subregion at kooperasyon ng Pan Beibu Bay at napapatingkad ng Guangxi ang papel bilang tulay sa pagpapasulong sa kooperasyon ng Tsina't Asean.
Winika ito ni Supachai nang dumating ng Nanning ng Guangxi para lumahok sa ika-5 China-Asean Expo at ika-5 China-Asean Business and Investment Summit.
Ayon pa rin sa ulat, noong unang hati ng taong ito, umabot sa 115.8 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina't Asean na lumaki nang mahigit 40% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, nananatiling ika-4 na pinakamalaking trade partner ng Tsina ang Asean.
Salin: Vera
|