Sinabi kahapon ni Qian Xiaoqian, pangalawang direktor ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang pag-unlad ng karapatang pantao ng Tsina ay pumasok na sa pinakamabuting panahon na gawing batayan ang mga mamamayan at may komprehensibo, koordinado at sustenableng pag-unlad at patuloy na mananatiling mainam ang tunguhin ng walang humpay na pag-unlad nito.
Winika ito ni Qian sa ika-9 na Simposyum ng Tsina't Alemanya hinggil sa karapatang pantao na binuksan dito sa Beijing nang araw ring iyon.
Sinabi niyang nananangan ang Tsina sa paggalang sa iba't ibang porma ng pag-unlad ng karapatang pantao, pagpapalakas ng pagpapalita't pagtutulungang pandaigdig sa larangan ng karapatang pantao batay sa pagkakapantay-pantay at paggagalangan, pagpapahigpit ng komong palagay at paglutas sa pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo at magkakasamang pagpapasulong sa pagtatatag ng may-harmonyang daigdig. Anya, napakahalaga ng realistikong katuturan nito para sa pagpapasulong sa harmonya ng daigdig at pag-unlad ng usaping pandaigdig ng karapatang pantao.
Salin: Vera
|