Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag na Tsino, ipinahayag ni Hidayat Nur Wahid, tagapangulo ng Constitutional Assembly ng Indonesia o MPR, na dapat palakasin ng kanyang bansa ang pakikipagtulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina para harapin ang kasalukuyang pandaigdigang krisis na pinansyal.
Sinabi niyang sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, pinananatili pa rin ng Tsina ang mabilis na paglaki ng kabuhayan at mayroon itong kakayahang magdulot ng mas maraming pagkakataong pangkooperasyon sa sektor ng industriya at komersyo ng Indonesya. Umaasa anya siyang ibayo pang daragdagan ng Tsina ang pamumuhunan sa Indonesya.
Salin: Andrea
|