Sa kanyang paglahok ngayong hapon sa porum ng Biyetnam at Tsina sa pamumuhunan at negosyo, isang aktibidad ng ika-5 China-ASEAN Expo, sinabi ni Gao Hucheng, pangalawang ministro ng komersyo ng Tsina na nitong unang walong buwan ng taong ito, umabot sa 15.2 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalang Sino-Biyetnames na lumaki nang 47% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Ipinahayag pa niyang ang Tsina ay naging pinakamalaking katuwang na pangkalakalan ng Biyetnam nitong nagdaang 4 na taong singkad.
Salin: Sissi
|