Idinaos kahapon ng hapon sa Nanning ang seremonya ng paglalagda ng mga pandaigdig na proyektong pangkooperasyon ng ika-5 China ASEAN Expo o CAEXPO. Nilagdaan ang 80 proyekto na nagkakahalaga ng mahigit 3.5 bilyong Dolyares lahat-lahat.
Ang mga proyektong ito ay sumasaklaw sa mga sektor ng manupakturang industriyal, pagdedebelop ng turismo, imprastruktura, komunikasyon, enerhiya, agrikultura, pagpoproseso ng produktong agrikultural at iba pa. Kabilang dito, 31 ang mga proyekto sa mga bansang ASEAN na nagkakahalaga ng halos 1.1 bilyong Dolyares. Ang Biyetnam, Singapore at Kambodya ay pokus ng pamumuhunan at pagtutulungan ng mga bahay-kalakal na Tsino.
Salin: Liu Kai
|