• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-23 09:57:40    
Hu Jintao: nakahanda ang Tsina na pasulungin ang relasyon nila ng Biyetnam

CRI
Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing kay dumadalaw na punong ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam, ipinahayag ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na dapat tumahak ang dalawang bansa sa tamang direksyon ng pag-unlad ng kanilang bilateral na relasyon, pahigpitin ang estratehikong pagtitiwalaan at palakasin ang komprehensibong pagtutulungan para maisakatuparan ang mainam at mabilis na pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.

Sinabi ni Hu na nakahanda ang Tsina, kasama ng Biyetnam, na panatilihin ang pag-uugnayan at pagpapalagayan sa mataas na antas, napapanahong magpalitan ng palagay hinggil sa mahahalagang isyu ng dalawang bansa at maayos na hawakan ang mga isyu sa kanilang relasayon. Tinukoy din niyang dapat tumpak na pakitunguhin at maayos na hawakan ng dalawang panig ang isyu ng South China Sea at buong sikap na hanapin ang tsanel at paraan ng pagpapalakas ng kooperasyon sa isyung ito.

Ipinahayag naman ni Nguyen na nakahanda ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina, para mapasulong ang kanilang relasyon. Ipinahayag din niyang iginigiit ng Biyetnam na isakatuparan ang mapayapa at pangmatagalang paglutas ng isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng talastasan at nakahandang makipagtulungan sa Tsina sa paggagalugad ng dagat na ito.

Salin: Liu Kai