Idinaos ngayong araw sa Nanning ang pulong ng mataas na opisyal ng China ASEAN Expo o CAEXPO. Inisyal na tiniyak sa pulong na ang ika-6 na CAEXPO ay idaraos mula ika-20 hanggang ika-23 ng susunod na taon.
Ayon sa mungkahi ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, 3400 ang exhibition booth sa susunod na ekspo at 4 ang paksa na kinabibilangan ng kalakalan ng paninda, kooperasyon sa pamumuhunan, teknolohiya para sa kanayunan at nakakaakit na lunsod. Ang Indonesya ay magiging tagapangulong bansa ng susunod na ekspo.
Ayon sa mungkahi, ang tema ng ika-6 na CAEXPO ay "kooperasyon ng mga bonded zone at port" at sa panahon ng ekspo, idaraos ang aktibidad ng pagpapalitan ng mga puno ng adwana ng sampung bansang ASEAN at mga namamahalang tauhan ng mga bonded zone at port. Ayon pa rin sa mungkahi, idaraos sa Mayo ng susunod na taon ang eksibisyon ng turismo ng Tsina at ASEAN.
|