Idinaos kahapon sa Nanning ang ika-2 pulong ng magkasanib na grupo ng eksperto sa kooperasyong pangkabuhayan ng Pan-Beibu Bay. Pinagtibay sa pulong ang plano ng aksyon ng grupo ng eksperto at sinang-ayunan ng mga kalahok na eksperto na isagawa ang pag-aaral sa posibilidad ng naturang kooperasyon batay sa panahon at nilalaman na itinakda ng plano.
Sa naturang plano, itinakda ang tungkulin, paraan ng pagtatakbo at gawain sa malapit na hinaharap ng grupo ng eksperto.
Iniharap din sa pulong ang ulat ng pag-aaral sa saklaw, target, direksyon, may-priyoridad na larangan, mekanismo, plano ng aksyon at mahahalagang proyekto ng kooperasyong pangkabuhayan ng Pan-Beibu Bay.
Salin: Liu Kai
|