Ayon sa ulat na ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, sa kasalukuyan, katumbas ng 6% ng GDP ng buong daigdig ang GDP ng Tsina kumpara sa taong 1978 na 1.8% lamang.
Ayon sa datos, mula 1979 hanggang 2007, umabot sa 9.8% ang bahagdan ng karaniwang taunang paglaki ng GDP ng Tsina na mas malaki kaysa sa karaniwang pandaigdig na lebel na 3% lamang.
Sa kasalukuyan, pumapang-apat ang GDP ng Tsina sa daigdig na kasunod ng Estados Unidos, Hapon at Alemanya. Sa taong 2007, umabot sa 2360 dolyares ang taunang kita bawat mamamayang Tsino kumpara sa 190 dolyares noong taong 1978.
|