Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag mula sa lupong tagapag-organisa ng pandaigdigang pulong ng pagpapalitan ng talento ng Tsina sa taong 2008 na sinimulan na kamakailan ang aktibidad ng paghalal ng dalubhasang dayuhan na may pinakamalaking impluwensiya sa Tsina nitong nakalipas na 30 taon sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma't pagbubukas sa labas. Naging kanditado ng naturang paghalal ang 29 na kilalang dalubhasang dayuhan na gaya nina Ieoh Ming Pei, Chen-Ning Franklin Yang, Tsung-Dao Lee at Robert A. Mundell.
Napag-alaman, pipiliin ng aktibidad na ito ang 15 dalubhasang dayuhan na may pinakamalaking impluwensiya sa Tsina at isasapubliko ang resulta sa ika-29 ng susunod na buwan.
Salin: Vera
|